Archive for May, 2008

Migrante

dumating kami nung may 25, linggo ng hapon, dahil wala ang tiya ko sa Cebu ng check in muna kami sa isang hotel, nakakapanibago talaga, maraming pag kakaiba ang Cebu sa Davao, maluwang ang Davao kung ikukumpara sa Cebu, masasabi kong magulo sa paningin, mas grabeh ang traffic, at maraming gusali, mahirap ang tubig dito, bago sa akin ang lahat, pati ang mga mukhang nakakasalamauha ko. ang hirap maging migrante… bagong simula, mahirap, adjustkment, hindi lang sa bagong skwelahan na papasukan, pati na rin sa lugar, mga tao,at pamumuhay. mahirapo iwan ang nakasanayan na… gusto ku ng umuwi!!! :s

may stalker ako…

may 29, tinetxt niya ako pag dating ng hapon, sabi niya, maniniwala ba raw ako kung sasabihin niyang nakita na niya ako..:o syepmre hindia ko na naniwala dahil baka binibiro niya lang ako, ngunit nilarawan niya ang damit hawak, at kasama ko ng panahong iyon at, tumpak! tama nga siya. sinabi niyang sinundan niya ako papasok ng Uc campus, umupo pa raw skya sa lugar kung saan kitang kita niya ako, tumawag pa siya sa cellphone ko para kumpirmahin nga ang kutob niya, at ayun!,, nakita na niya ako, pero siya, hindi ko nakita, malas naman. sana ma kita ko na rin siya, sabi niya hindi pa raw siya handa…ako rin naman hindi pa handa!

sa aking pag alis…

tapos na akong mag impake, alas 12 ng tanghali ang flight…pero, hindi ko alam kung nadala ko na ba lahat ng kailanagan ko…hirap palang bumyahe, aalis ako dito sa bahay na tinirhan ko ng mahigit 10 taon…at kung sakaling bumalik man ako ng Davao, ay hindi na maari pa akong bumalik sa bahay na ito…nakakalungkot, syempre, dito ko binuo ang aking pagka bata at pagka “teen”, oo, “people come and go”, “everything changes”, isa nga siguro ito sa mga pagbabago sa aking buhay na kailangan kong harapin.Hindi ako nag paalam sa lahat, ito ay dahil hinihiling at umaasa akong babalik.

sa lahat ng naging kaibigan ko, maraming salamat :) , pagkakaibigang sinubok ng panahon hehehehee..drama lang.

kaibigan sa elementarya, kay Kardot na naging matalik kong kaibigan simula grade 6, mga kaibigan ko sa high schoool na sina baby lou, Irish at Jennifer, mga kaibigan ko sa college, From section A-C, kay mongs, kay san san, karen,mae,janice,felice, kay Jo Ann na classmate ko ng 2nd ,3rd yr high school pati ngayong college,c jay na tanong ng tanong,kina sha,bern,jesa,paulique, at dadi earl, sa Borj Riders(abz,sean,porpi,typhon,egon,jenver etc…)at higit sa lahat sa 8:30 ( jopal,brylle,karlo,jan,joseph) tnx tnx muah muah chup chup ah ah..;)

sa mga naging professors ko thanks!..sir X, sir jerry,(mga special mention)

kay april kwong kaya mo yan!

sa UIC…wala lang increase na naman.

sana maka balik ako diyan,ayaw kong umalis :(

ps: KAAAAAAAAAAAAAARRRLLOOOOOO!! pasalubong gikan US beh!…singilon tika pag maka OL ko..bantay lang kaaaaaa!!!

Hatsing!

alam ko..sisipunin ako, sumakit bigla ang ulo ko, nakakainis naman kasi ang panahon, pabago bago, mainit, tapos bigla na lng aambon, hahai, ayun tuloy dinapuan ang sipon. iinom nanaman ako ng maraming kalamansi juice nito o purong tubig lang, nakakalungkot. at sabi pa sa isang artikulo sa internet drink lots of fluids, use throat lozenges for sore throat, and stay in a moist environment (for example, running a humidifier at night may help with the symptoms).(nakaka nosebleed naman yung term.)

Pina ka ayaw ko ang sipong nasa early stage ng evolution, yung tipong, crystal clear pa ang sipon, yung parang tubig pa, hay naku! nakakanis yung stage na iyon. sisinghot ka ng sisinghot dahil mag pupumilit tumulo yung salbaheng sipon. At kapag nag evolve na siya, at ng palit anyo at kulay, poproblemahin mo na naman ang panyo na iyong gagamitin, tapos hindi kapa makahinga dahil naka gwardiya sila sa butas ng ilong mo. hahai..sipon lubayan mo ako!

Nakakapanlulumo…

hindi mo alam ang gagawin…nalilito sa dami ng isiisip, kung ano ang uunahain,sumasakit na ang ulo mo sa kahahahanap ng solusyon.

Ayaw ng iyong ina na makipag komunikason ka pa sa kanya, ngunit paano mo naman gagawin iyon? at paano mo sasabihin ito sa kanya? alam mong masasaktan ka, dahil para na siyang kapsula ng bitamina, na iniinom mo araw raw.Pero kinakaya mo pa rin (kayaning maging matigas ang ulo).alam mong kaya mo.

Aalis ka sa lugar na matagal mo ng nakagisnan, iiwan mo ang mga taong naging bahagi na ng buhay mo. Pero hindi mo pa nasasabi sa kanila, kahit alam nilang may plano kang umalis. Paano ba? Hirap talaga. Hirap sabihin ang bye guys :(

Bagong lugar na naman, bagong mga tao ang makakasalamuha mo, mga taong hindi mo kilala at hindi ka kilala.hindi mo alam anong mangayayari,bagong pakikipag kaibigan, bagong buhay para sa iyo. bagong mundo.

Gusto mo na siyang makita, pero, bakit aalis siya? saan siya pupunta?ayaw ba niyang magkita kayo? iniiwasan ka ba niya? ano ba talaga? siguro unti unti lang pinapakita sa iyo ang katotohanan. katotohanang ikaw ang dapat tumuklas.

maraming katanungan na nag lalaro sa isip ng taong lito, bakit ganoon? bakit ganyan? hindi ba pwede na ganito na lng?..mahirap pa lang mag isip…buti na lng wala akong ganoon.;)

“First love never dies
I just wanna say
That I still love you”

- White Lies

Kaninang umaga ko narinig ang kantang iyan na pinatugtog ng kapitbahay. Tapos inisip ko kaagad ang katangang “First Love Never dies”; Hindi ba talaga namamatay ang unang pag ibig?kung hindi namamatay ang unang pag ibig, paano na ang pangalawa,pangatlo at pang ilang daan pa? Tapos, bakit may unang pag- ibig, kung sinasabi ng iba, na isang beses lang matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Hindi ba pareho ang unang pag-ibig at ang tunay na pag ibig? Kung magkaiba sila, ano ang tawag sa unang pag ibig? fake? Nalilito tuloy ako, ano ba talaga? teka teka, balik muna ako sa topic, an dami kasing komplikasyon eh.

Unang pag ibig, ito ang tawag sa unang pagtibok ng puso para sa isang tao,(tama ba?), pero sa tingin ko, maipag kakamali ito sa unang bf or gf, dahil madalas sabihing ang una mong pag ibig, ay yung una mong naka relasyon; pero, paano kung dumating ang panahon, ma isip mong, hindi mo pala minahal talaga ang una mong naging ka relasyon?hindi ba? Hindi natin matatawag na unang pag ibig iyon. Unang Biga (igat-igat) lang. kongklusyon ko:may posibilidad na hindi ang unang naging bf or gf ang iyong unang pag ibig”.

At kung halimbawa, naramdaman mong pag ibig nga iyon, hindi madaling kalimutan yan,kahit ilang taon pa ang dumaan, na iiwan ang mga alaala. Ngunit, siguro, pagkakataon o tadhana lang ang “first love never dies”, hindi ito nangyayari sa lahat ng tao. Doon lang sa mga taong nka tadhana na magka tagpo ulit sila ng kanyang unang pag ibig. Siguro nga, “First Love never dies”, natutulog lang, may posibilidad rin na hindi na ito ma gising.

Paano ka mag mamahal ng iba, kung first love never dies?
Paano ba talaga malalaman kung mahal mo na talaga siya?
hirap diba? Complicates your already complicated life.

Maari ring nasa isip lang ito ng tao.Gulo talaga nito.

Sad to say im a girl.

Kahit iwasan, kahit itanggi, kahit ipagkaila, nakikita ang pagka dehado ang babae sa estado ng lipunan at sa mata ng mga mapanghusga. may mga bagay na nakakpag papatunay nito:

• madalas pabor pag lalaki ang maging panganay.
• pag nag ka gusto ang babae sa isang lalaki ang tanging magagawa niya ay mag hintay an ligawan siya.
• pag ang babae ang nangaliwa, malaking bawas ito sa kanyang integridad.
• Pag ang lalaki ang may kabit, hindi sinasabi ng mga tao na “may kabit siya?” kundi “ aiyh kabit xa?”.. in short..hindi sa lalaki ang patama, kundi sa babae.
• madalas sa isang relasyon ay nasa losing end ang kababaihan
• mahal ang bigas :P

maaring may katotohanan ang mga binanggit ko, pero ganito talaga ang buhay sa amin, ito ay tanggap na, ngunit sana ay alalahanin, kami ay tao, nasasaktan, at may kakayahang gumanti :P joke lang.Sa mata lang ng Diyos tayo pantay-pantay, hindi sa mata ng tao.

ginupitan na ang mahaba kong buhok na halos umabot na sa bewang, hindi naman masyadong maikli..lampas balikat parin naman ito. Kaninang umaga may sinabi si nanay sa akin, kailangan ko raw malaman kung mahal ako ng isang tao o ginagamit lang niya ako sa pansarili niyang kapakanan. papaano nga kaya malaman?..ang hirap siguro, at tsaka kahit alam mong ginagamit ka lang niya, hahayaan mu parin naman xa sa ginagawa niya.hahaiyhzzz..Hirap talga…bulag talaga ang taong umiibig…sus..dili na gugma…uwag ra na!:P