hindi mo alam ang gagawin…nalilito sa dami ng isiisip, kung ano ang uunahain,sumasakit na ang ulo mo sa kahahahanap ng solusyon.
Ayaw ng iyong ina na makipag komunikason ka pa sa kanya, ngunit paano mo naman gagawin iyon? at paano mo sasabihin ito sa kanya? alam mong masasaktan ka, dahil para na siyang kapsula ng bitamina, na iniinom mo araw raw.Pero kinakaya mo pa rin (kayaning maging matigas ang ulo).alam mong kaya mo.
Aalis ka sa lugar na matagal mo ng nakagisnan, iiwan mo ang mga taong naging bahagi na ng buhay mo. Pero hindi mo pa nasasabi sa kanila, kahit alam nilang may plano kang umalis. Paano ba? Hirap talaga. Hirap sabihin ang bye guys
Bagong lugar na naman, bagong mga tao ang makakasalamuha mo, mga taong hindi mo kilala at hindi ka kilala.hindi mo alam anong mangayayari,bagong pakikipag kaibigan, bagong buhay para sa iyo. bagong mundo.
Gusto mo na siyang makita, pero, bakit aalis siya? saan siya pupunta?ayaw ba niyang magkita kayo? iniiwasan ka ba niya? ano ba talaga? siguro unti unti lang pinapakita sa iyo ang katotohanan. katotohanang ikaw ang dapat tumuklas.
maraming katanungan na nag lalaro sa isip ng taong lito, bakit ganoon? bakit ganyan? hindi ba pwede na ganito na lng?..mahirap pa lang mag isip…buti na lng wala akong ganoon.;)


