alam ko..sisipunin ako, sumakit bigla ang ulo ko, nakakainis naman kasi ang panahon, pabago bago, mainit, tapos bigla na lng aambon, hahai, ayun tuloy dinapuan ang sipon. iinom nanaman ako ng maraming kalamansi juice nito o purong tubig lang, nakakalungkot. at sabi pa sa isang artikulo sa internet drink lots of fluids, use throat lozenges for sore throat, and stay in a moist environment (for example, running a humidifier at night may help with the symptoms).(nakaka nosebleed naman yung term.)

Pina ka ayaw ko ang sipong nasa early stage ng evolution, yung tipong, crystal clear pa ang sipon, yung parang tubig pa, hay naku! nakakanis yung stage na iyon. sisinghot ka ng sisinghot dahil mag pupumilit tumulo yung salbaheng sipon. At kapag nag evolve na siya, at ng palit anyo at kulay, poproblemahin mo na naman ang panyo na iyong gagamitin, tapos hindi kapa makahinga dahil naka gwardiya sila sa butas ng ilong mo. hahai..sipon lubayan mo ako!