Humingi siya sayo ng tulong… tapos, sinabi mo sa kanya ang mga maaring dahilan ng problema,at sinubukan mo siyang bigyan ng maaring maging solusyon. Pero…nung di siya sumang ayon sa solusyon na binigay mo…sasabihan ka lang ng “thank you na lang”…humingi siya, tapos binigyan mo, nagyon ayaw na man niya, hihingi na lang daw siya ng tulong sa iba. Iba na alam niyang…masasaktan ka. Pero wala kang magawa kundi hayaan siya, manahimik ka na lang sa tabi. Mag emo ka muna
Archive for May, 2008
Nu Ba talaga?…
Author: p bMay 13
Strike!na naman…
Author: p bMay 12
transport strike na naman dahil mahal ang gasolina, pero ang nakapagtataka lang…kahit naman nag roroll back ang presyo ng langis, ay hindi naman bumababa ang presyo ng mga bilihin. Yan kasi ang sakit nating mga Pilipino, puro lang tayo taas, walang maintain, walang baba. Pag nag rollback ang langis, laging dahilan ng mga mangangalakal ay,”kasi konti lang ang kita namin, kaya hindi kami nag mumura ang aming ipinag bibili”. Kung ganoon parati ang mangyayari, huwag na tayong umasa na may mabibili pa ang piso sa hinaharap. Maaring sabihin ng iba, “hindi ka kasi negosyante kaya hindi mo alam gaano kahirap mag benta”. Siguro nga..pero hindi rin naman madali maging consumer ah!..
tama rin kaya ang dahilan ng strike: “mahal ang gasolina”?..pero gaya ng nsabi ko na sa itaas, bumaba man o tumaas ang presyo ng gasolina, mahal parin ang bilihin, mahal parin ang pamasahe. wala ng mura sa panahon ngayon! Lahat na ay mahal! Mahal!
Bakit kaya?
Author: p bMay 11
ilang buwan narin ang nakalipas ng tapusin namin kung anu man ang mayroon kami noon, pero ang nkaapag tataka, bigla bigla na lang na tatatagpuan ko siya sa labas ng aming bahay, gusto yata akong makausap,
Araw na pina ka ayaw ng mga babae…
Author: p bMay 7
unang linggo ng Mayo, inasahan ko ng darating siya sa linggong ito, at ayun! dumating nga! hahai..dumating ang aking buwanang dalaw.Alam kong hindi lang ang kaluluwa ko ang nag hihirap sa panahong ito.
Aba!Malditah siya!
Author: p bMay 5
habang napaka abala namin kanina ng mga kaklase ko na mag ayos ng bulletin board, may isang 1st year student ang ng tanong ng “naa moy 1,1?”(100,100 change ng 500), na sinagot ko naman ng “wala baya, 1 lang jud akung kwarta diri” at aba! sinagot ako ang babae ng “seryoso?..”! sinagot ku rin siya ng “oo!”. Siya na nagtanong..siya pa nagalit..kala niya siguro mga ka year level niya kami! Di niya nakilala ang mga program officers niya. ang akala niya siguro mga student assistant kami doon, pero kahit na, hindi dapat siya nag asta ng ganoon. Aba! indi naman kami cashier! Kung maka asta siya parang naliliitan lang siya sa aamin. Ganun pala ha..tingnan lang natin!
Sana di na lang!…pagtataksil
Author: p bMay 3
kainis naman! kung bakit pa kasi na isip kong buksan ang friendster account, yahoo messenger at cellphone niya! di ko na lang sana nalaman na..na..may iba siyang kinalolokohan! Ang galing pang lumandi ng babae!, buti na lang marunong akong sumakay sa mga pinag sasasat sat niya. Salamat sa load pa daw! aba! hinayupak na lalaki yun! niloloadan yung babae! Ni ako, di man lang niya magawang loadan! anak ng putakte nag i love you pa! at may tawagan pa sila! Honey!Honey mong mukha niyo! itinago nila skin, kay pait, kay saklap!! Mga sinumpang taksil! sinira nila ang tiwala ko sa kanila!..kaibigan ko pa naman siya! ang sakit ng ginawa nila! sira na kung sira!.. durog na!..
nag mahal lang naman ako?! Saan ako nag kamali?!
Direk: “OK cut!”
Slimming Tips…
Author: p bMay 2
tapos na akong kumain , pero gutom parin ako, gusto kong kumain naman . Na isip ko..kailan kaya mabubusog ang tiyan ko. Pero mabuti narin yun, para hindi ka daw tumaba, wag kang kumain ng marami sa gabi. Nag hanap ako ng mga tips kung paano manatiling slim ang katawan.
at ito ang na hanap ko:
1.Dont Skip Meals.Dahil ma eenganyo ka lang kumain ng marami sa buong araw.
2.Take pauses between meals.Pagpahingahin sandali ang tiyan, mag antay ng mga 15-20 minuto bago lumamon ulit ng kung anu-ano.
3.Huwag masyadong uminom ng may caffeine, dahil nakakagutom ito, at kapag gutom==kain na naman.
4.Uminom ng maraming tubig.Water therapy baby!
5. Avoid greasy and oily foods. Hindi lang taba ang makukuha mo, pati Hypertension.
6. Iwasan mag miryenda. Huwag kang mag reklamo, dadiet kaba o ano?
7.Matutong mag Exercise!ang walang kamatayang pag eehersisyo ay talagang nakakatulog.
8. Iwasan uminom ng Full-fat milk, palitan ito ng semi skimmed milk.
9. Sa pag kain, umupo ng tuwid upang madli mong malaman kung busog ka na.
10. Huwag kang ma reklamo! Ma sestress ka lang tapos pag na stress ka, kakain na na naman ng marami. Nag dadiet ka alalahanin mo!
“nasa tao ang gawa, mag diyeta ng tama”
Ang unang ginawa
Author: p bMay 1
Hindi ko alam kung anung itatype…nag iisip ako ng maraming bagay na maari niyang gawing topic..ngunit, hindi ko alam kung saan mag sisimula..lito sa gingawa..nalilito nalilito,nahihilo nahihilo..coke ko to!…nag isip, ng nag isip pero wala..walang nangyari!..kaya minabuti kong itigil na ang akingkahibangan at kinlik ang publish button …:)


