Archive for January, 2009

krisis sa Amerika…
kamakailan lang isang lalaki ang
pinatay ang buo niyang pamila para hindi na maghirap
dahil sa pagka tanggal niya sa trabaho..
kung krisis doon..
paano na lang tayo?
na mas mahirap pa sa amerika..
pero..mayaman parin naman ang mayayaman..
at mahirap parin ang mahihirap..
hindi lahat ng hihirap…
puno parin ang mga *malls tuwing sabado at linggo..
matrapik parin sa kalye dahil sa baha ang mga kotse..
sana may pag asa pa ang mundo..
ibang bansa naman sana ang bida…
baka pwedeng china naman ang manguna sa mundo..
o kaya europa..
o kaya japan..
o kaya korea
o kaya pilipinas..*jewk
hindi nga natin ma ibangon ang sarili natin..
eh mangunguna pa tayo sa mundo..
sa kurapsyon siguro, oo…
pero di natin alam..baka nga pwede…,,,
kung magbabago ang lahat ng pilipino..
Kung magbabago..
Kung…
kung….

nalalapit na kaarawan

ilang araw na lang..
pero wala akong maramdaman na pananabik..
ilang taon na ba akong ganito?..12? 13?
tagal na..kaya hindi ko alam kung paano
ipadiriwang ang kaarawan ko…marahil nga..
gaya lang siguro ng mga nagdaang taon…
walang espesyal..gaya lang ng isang ordinaryong araw
..hindi ko na nararamdaman yung pakiramdam ng
kasabikan sa pag gising sa umagang iyon
.,.nakikita ko lang ang sarili kong ng lalakad
sa loob ng skwelahan na walang ngyayaring kakaiba..
maliban sa may nakaalalang bumati ng “happy birthday”
..ganun lang ang senaryo…wala rin akong bagay na gustong matanggap..hindi naman ako materyosang tao.kung may mag bigay,,,ipag papasalamat ko ito ng marami…maraming marami..
pero..hindi na rin ako umaasa…
tama na sa akin na gumising ako sa raw na iyon..

..ang kaarawan ay ng sisilbing paalala kung
ilang taon na ang pamamalagi mo sa mundo…
at kung may kabuluhan ka bang ginawa sa loob
ng mga taong iyon..

ang drama ay sumasa atin

hindi ko malaman kung anong mayroon sa gabing ito…
lahat ay nasa estado ng pag dadrama..
mga taong tatanong ng kahalagahan nila sa mundo…
iba naman ay dahil sa pag ibig:
“mahal kaya niya ako?”
“bakit hindi niya ako kayang mahalin”
“sinayang niya lang ang pagmamahal ko”
“gusto ko siya..pero hindi ko siya mahal”
“bat ko pa siya pinakawalan?”
“paano ko sasabihin sa kanya?”
“siya ang nang iwan siya ang nawalan”
“tatanggapin pa kaya niya ako?”

“pano ko tatangapin na wala na siya sa buhay ko?”
“may pag asa pa kaya?”

“gusto niya ako..gusto ko siya..pero hindi kami pwede”

ewan ko kung anong meron..
pero halos lahat ay kanya kanyang emote..
kanya kanyang pag papalabas ng nararamdaman..
haizz..ako?..pagod ako..mas gusto kong matulog na..

naranasan mo na bang….

mangulila sa isang tao…
yung dumating na sa pagkakataong
naninikip ang dib dib mo sa kakaisip sa kanya..
yung gustong gusto mu na siyang makita…
tinatanong mo sa sarili mo
kung kelan mo siya makikita uli….
halos gawin mo ng lahat mag ka roon lang ng
pagkakataon para makipag komunikasyon sa kanya..
kulang na lang itago mo siya sa bulsa mo..
o ipasok sa loob ng bag..
naiinis ka sa sarili mo dahil di mo siya makita..
naiinis ka sa kanya dahil sa nararamdaman mo..
maiinis ka sa mga tao msa paligid mo dahil hindi nila
ma punan ang kalungkutan mo…
maiinis ka sakin dahil tama ang sinasabi ko…
gusto mong ma iyak…
gumulong gulong..
umarteng balewala lang ang lahat..
mag sinungaling sa sarili…
mag mukhang masaya…
pero wala..wala kang magawa..
mas tapat ang damdamin..

pero…

ganun din kaya ang nararamdaman niya?

pangakong napapako

talaga bang ang lahat ng pangako ay napapako?
bakit ganun?…bakit halos lahat hindi natutupad..
o mas tamang sabihin kong..hindi tinutupad ng mga taong nangangako..
minsan tuloy ang hirap maniwala sa pangako ng isang tao..
kahit na gusto mo siyag bigyan ng pagkakataon..ay na iisip mo ng huwag na lang umasa…hindi magaan sa pakiramdam ang mabigo..
sana kahit minsan..matuto naman ang ibang taong tuparin ang mga pangako nila…

kahit minsan lang…

masayang karanasan

Sinulog 2009
unang Sinulog na nadaluhan sa buong buhay ko
masaya..kumain sa labas nag pa libot libot sa sm at ayala
ng halos buong araw..nanuod ng fireworks,
tawanan ang mga kababawan, makipag siksikan, humiyaw,
mamangha,mapagod sa kalalakad dahil walang masakyan..
maapakan ng mga nakakasabay…
nakakpagod..pero masaya…
sa susunod uli….

viva pit senyor!

tc gbu! :)
ayala

nitong mga nakaraang araw,..napapansin kong madalas itanong sa akin ng nag aadd sakin sa Tagged account ko ay :” kumusta naman love life mo?” “may bf ka ba now?”..”my relationship kaba now?”,” musta naman ang buhay pag ibig natin?”..o kaya naman: “taga san ka?” ” ano ang ym mo?”..”may friendster ka?”…”pwede hingi # mo?” ..haizzz..nakakapagod sumagot…sana sa susunod may mag tanong naman sakin kung kumain na ako…anong ulam ko sa tanghali..kung nabusog ba ako…o ginugutom…dyahe naman

Malaking karangalan

malaking karangalan ang mahalin ng ibang tao…
ibig sabihin may taglay kang nagustuhan nila..
isa kang taong nararapat ibigin…siguro lahat naman tayo..
kahit gaano ka sama ang ugali ang tinatago o inilalabas natin…
pero may ibang klase ng pagmamahal na hindi na ipagkakaloob sa lahat ng tao…yung pagmamahal na may kasamang “sinisinta”…mahirap hanapin yun..at mahirap rin ibigay…
yung tipong …namimili ka ng keyk…lahat maganda ang desenyo at masarap tingnan.pero ayaw mo sa bubble gum flavor,ayaw mo sa carrot,ayaw mong may pasas,ayaw mong may tsokolate, at kung anu anupang ayaw mo…masisiyahan ka lang tingnan sila..pero…hindi mo kakainin…iba parin yung..tipo mu yung flavor..na halos ayaw mong mamigay sa iba kpag iyo na…
pero yung iba..lahat titikman…hanggang sumakit ang tiyan

iba rin ang kaso ng babae kapag may manliligaw..hindi keyk ang pag pipilian nila kundi junkfood…mamimili sila sa pagitan ang ibat ibang klase ng junk food..pero lahat nakakasira ng gana sa pagkain at nakaka stress ng kidney…pero mamimili parin at kakain ng gusto nila..kahait alam nilang masama sa kalusugan.

di ba nakaka baliw..?pero lahat ng ito ay karangalan parin..na ipinag papasalamat….swerte ang mga taong maswerte..at swerte parin ang mga taong malas dahil minalas sila…