nitong gabi lang ay nagkaroon kami ng mayoryang eksamin sa Matematikang tawagin natin sa pangalang Analytic Geom…
kung saan nabaliw ako halos sa pag isip ng solusyon kung ano ang
ekwasyon ng isang bilog na kung saan may 3 tuldok siyang nasagasaan.. at ang parabolang nakakaloka…halos lahat kami ay nalasing…may nakita akong mga kaklaseng nag kamot ng ulo, nag kunot noo..nag buntong hininga at nagalit sA papel..
.. .matapos ang eksamin ay halos mahimatay ako sa gutom at sakit ng likod at leeg…dag dag pa ang ulan…buti na lang nakaraos ako sa pag hihirap na iyon…ang isang oras ay parang walang hanggan para sakin….ibinubulong ko na sa sarili ko na sana tumunog na ang bell…krrrriiiiingggg!!…uwian naaa!