Archive for March, 2009

sa loob ng isang jeep

ayan may jeep na…..sa haba ng oras ng pag hihintay…

sumakay ka at na upo sa may kanang bahagi ng jeep…naka lingon sa may bintana habang pinag mamasdan ang bawat etablisyemento at gusaling nadadaanan..minsan ay na papatingin ka sa mga kasama mo sa loob ng sinasakyan mong jeep..

sa harapan mo naka upo ang istudyanteng nag tetext gamit ang kanyang cellphone.. katabi niya ay isang mama na halatag binabasa
kung anu mang tinitext ng studyante..

nakakatawa naman sila…pag nahahalata ng estudyante ang mama..
ay iniiwas ng mama ang tingin sa may kisame ng jeep…

isang seksing babae naman ang katabi ng mama.. ang seksing babae ay may mahabang buhok na halos makain na ng aleng katabi niya…dahil sa pag saboy ng kanyang mala DYOSAng buhok dulot ng malakas na hanging idinudulot ng pag takbo ng jeep.
at halatang ang ale ay halatang napipikon na at nag kukunot noo.

tsk..manhid naman..walang paki alam sa damdamin ng ibang tao,…

bigang may ninabot ang taong nsa unahan ng katabi mo..walang imik niya itong inabot…inabot lang niya…talagang inabot lang niya…kaya hinulaan mo nalang na ito ay pamasahe…

walang mabuting asal…di marunong maki suyo..hmmp

3 sa kasama mong pasahero ang masayang nag kukwentuhan ..malakas tumawa yung isa…ang isa joker….ang huli ay nakikisakay na lang…ng kuwentuhan sila simula pa ng pagsakay mo hanggang sa pag baba nila…

aba! ayus to..sa kwentuhan nila…malalaman mo na ang kwento ng mga buhay nila.

isang manong naman na naka sando ang naka sampay ang kamay sa hawakan sa loob ng jeep…at amoy sa loob ang baho ng kilikili niya..

c kuya naman..ganoon na ba ka mahal ang deodorant ngayon?

puno na ang jeep dahil sa walang tigil na pag hinto ng jeep para kumuha ng pasahero..masikip na…masikip na masikip…kahit wala ng lugar ay ipinipilit pa ng konduktor na maluwag pa…kulang pang lima!

dyahe naman sikip na nga!…

nakita mo na ang kantong bababaan mo….

para na manong!….dito na lang ako…

bumaba ka na sa badtrip na jeep…
at sa badtrip mo…naka limutan mong mag bayad,;)

Nakapanghihinayang

di ko akalaing nang dahil sa isang tao….
magkakaroon ng pader sa pagitan naming dalawa…
dati malapit kami…kahit nasa malayo siya…
nag kwewektuhan kami pag may pagkakataon..
ngayon hindi na..
sayang…
sayang talaga…
mabait pa naman siyang kaibigan..
at alam kong alam niyang naging mabuti rin ako sa kanya..
gusto kong sabihin sa kanya na balewala lang sa akin kung
ano mang mayroon sa kanila ngayon…
pero sadya sigurong malakas ang sala na kanyang nararamdaman
kaya parang umiiwas siya sakin….

gusto ko parin siyang maging kaibigan…
wala akong sama ng loob sa kanya…

pero kung hindi niya talaga ako kayang harapin…
wala akong magagawa…
hindi ko naman ipipilit ang sarili ko
sa taong ayaw ako…

akala mo….buti na lang..

ilang araw na nag daan…
may nakilala ka…
at masasabi mong mabait siya…
at gusto mo ang paraan ng pagdadala niya sa kanyang sarili..
prangka at malakas ang loob pero hindi nag mumukhang hambog…
at ayun bigla na lang!… naramdaman mo lang na nagugustuhan mo siya….
sandali! sandali….!
..ulit! ulit..!
o_O
oo naramdaman mong nagugustuhan mo siya….
pero…..
akala mo lang yon..:-p
namulat ka kinabukasan..at hindi mo na siya gusto..!!
ayaw mo na sa kanyaaaaaaa!
at eto ka ngayon…all the singles ladies, put your hands up!

wala siyang kasalananan…
wala naman siyang ginawa na di mo nagustuhan…

dahil guro sa…hindi mo alam..at hindi ko rin alam..ewn ko sa iyo.
basta..nawala na lang bigla yung pakiramdam na iyon..
lumayas na…hala chupe!..labas labas!..buti na lang…!

Prangkahan?

Paano mo sasabihin sa tao na ampanget ng kasintahan niya.

1. “Pare, mahilig ka pala sa abstract…”
2. “Ay…lugi…”
3. “Tale as old as time…”
4. “Pare, ba’t may ka-holding hands ka na lalaki?”
5. “Tamang-tama miss! Kamukha mo si Heidi Klum…at kamukha naman niya si Seal!”
6. “Sabi ko na nga ba eh, mahilig ka sa inner beauty.”
7. “Uy, hindi pa pala extinct yung ganyan?”
8. “Idol mo si Andrew E. kaya ka humanap ng pangit?”
9. “Pare ilegal yan, i-surrender mo na yan sa DENR!”
10. “Masarap siya siguro magmahal, no?”
11. “Miss, hindi pa ba nagbabayad ng ransom ang mga relatives m0*
12. “Ikaw naman, nung sinabihan kitang be kind to animals, hindi naman ganyan!”
13. “Magkano inabot?”
14. “Uy, ang cute! Anong breed?”
15. “Aba, aba, aba, tru lab nga!”
16. “Wow, ang sarap i-photoshop!”
17. “Let me guess, mahaba ang dila niya, noh?”
18. “Sabi ko na nga ba, katawan lang ang habol mo eh!”
19. “Wow, ang sarap ng girlfriend mo…ang sarap sampalin!”
20. “Hoy, mag-sorry ka sa mga mata ko!”
21. “You know, it’s unethical for a doctor to date his patients, especially if you’re a vet.”
22. “Pare, ano siya, mabait o mayaman?”
23. “Wow pare, naks, kamukha ni anne curtis ang girlfriend mo ah…sa Kampanerang kuba…”
24. “Wow, mukha palang ulam na! Ulam na panis!”
25. “Hindi ka na ba naawa sa mga magiging anak niyo?”
26. “Pare, Pinoy ka! Pinoy ka! Anong akala mo sa sarili mo, foreigner?”
27. “Nangangagat? Pwedeng hawakan?”
28. “Pare, minsan try mo din yung tao…”
29. “Pare, magiging swan ba yan sa ending?”
30. “Dad! Bilis! Tignan mo yung dala nung mama! Bilis, bigyan mo ng saging!”

————————

ganito ang tao kung humusga..hindi naman natin pwede pakialaman ang mga taong sabihin na nating my d kagandahan o kagawapuhang kasintahan..iba2 tayo ng panananaw…kaya..wala tayong karapatang insultuhin sinuman..

src: post bulletin of friend m.a.s

tunay nga kayang
may darating na pagkakataong..
kailangan mong layuan ng mahal mo..
dahil iyon ang tama para sa inyong dalawa?
hirap diba?
mahal mo siya..kaya ka lalayo..
kahit na ang ibig sabihin nito ay masasaktan kayong dalawa..
kailangan matutong bumitaw…

*nakakalungkot…ang drama…

Kapalaluan

o mas kilala ng lahat bilang PRIDE sa salitang Ingles..

ilang tao na ba ang nasaktan mo….
ilang beses ka na bang nakipag away
ilang tao na ba ang nawala sa buhay mo….
ilang beses ka nabang nag kunwari
ilang pagkakataon mo na bang naranasan mag hirap ang kalooban ..
ilang beses mo ng naranasang pigilin ang sarili mong
gawin ang isang bagay na nararapat….

ng dahil lang sa salitang iyan?

lahat tayo ay ng tataglay ng
kapalaluan sa ating katawan..
pero lahat ng sobra ay lason..
alam naman nating hindi ito naka lulutas ng problema..
maaring makalalala pa ito…
hindi madaling lunukin ang kapalaluan ng isang tao..
kaya naniniwala akong ang
pag papakumbaba ang pina ka dakilang gawin sa lahat..
madaling sabihin,,,..mahirap matutunan…


nitong umaga lang..
bigla ko siyang naalala…
inisip ko agad kung san ko siya iniwan…

hinanap..
hinanap..
at hinanap ko siya..
pero wala..
wala…
wala….

di ko siya mahagilap!..
oh hindeeeeeeee!!!..
nawala ang 4 na taon ko nang Talk n Txt sim card!!!
sayang…sayang talaga…
pero lahat ng numero ko sa
sim na iyon ay nasa telepono ko na…
pero sayang parin……paalam Talk n Txt...hello Globe