sa loob ng isang jeep
Posted by p bMar 24
ayan may jeep na…..sa haba ng oras ng pag hihintay…
sumakay ka at na upo sa may kanang bahagi ng jeep…naka lingon sa may bintana habang pinag mamasdan ang bawat etablisyemento at gusaling nadadaanan..minsan ay na papatingin ka sa mga kasama mo sa loob ng sinasakyan mong jeep..
sa harapan mo naka upo ang istudyanteng nag tetext gamit ang kanyang cellphone.. katabi niya ay isang mama na halatag binabasa
kung anu mang tinitext ng studyante..
nakakatawa naman sila…pag nahahalata ng estudyante ang mama..
ay iniiwas ng mama ang tingin sa may kisame ng jeep…
isang seksing babae naman ang katabi ng mama.. ang seksing babae ay may mahabang buhok na halos makain na ng aleng katabi niya…dahil sa pag saboy ng kanyang mala DYOSAng buhok dulot ng malakas na hanging idinudulot ng pag takbo ng jeep.
at halatang ang ale ay halatang napipikon na at nag kukunot noo.
tsk..manhid naman..walang paki alam sa damdamin ng ibang tao,…
bigang may ninabot ang taong nsa unahan ng katabi mo..walang imik niya itong inabot…inabot lang niya…talagang inabot lang niya…kaya hinulaan mo nalang na ito ay pamasahe…
walang mabuting asal…di marunong maki suyo..hmmp
3 sa kasama mong pasahero ang masayang nag kukwentuhan ..malakas tumawa yung isa…ang isa joker….ang huli ay nakikisakay na lang…ng kuwentuhan sila simula pa ng pagsakay mo hanggang sa pag baba nila…
aba! ayus to..sa kwentuhan nila…malalaman mo na ang kwento ng mga buhay nila.
isang manong naman na naka sando ang naka sampay ang kamay sa hawakan sa loob ng jeep…at amoy sa loob ang baho ng kilikili niya..
c kuya naman..ganoon na ba ka mahal ang deodorant ngayon?
puno na ang jeep dahil sa walang tigil na pag hinto ng jeep para kumuha ng pasahero..masikip na…masikip na masikip…kahit wala ng lugar ay ipinipilit pa ng konduktor na maluwag pa…kulang pang lima!
dyahe naman sikip na nga!…
nakita mo na ang kantong bababaan mo….
para na manong!….dito na lang ako…
bumaba ka na sa badtrip na jeep…
at sa badtrip mo…naka limutan mong mag bayad,;)




6 comments
Comment by nobodysgurl on March 25, 2009 at 2:14 am
hay namiss ko bigla ang pagsakay sa jeep…
Comment by aya on March 25, 2009 at 6:28 pm
hahaha.. adik
Comment by Otakore Literantadodist on March 26, 2009 at 12:35 am
Buhok saan iyan? Buhok sa kili-kili, nakain ng Ale yung buhok sa kili-kili. Hehe. (joke)
Totoong pangyayari: Meron akong isang karanasan sa pagsakay ko sa Jeepney, may katabi ako, babae, mahaba ang buhok, nasasabuyan ako ng mahangin niyang buhok sa tuwing rumaragasa ang Jeep. Ang ginawa ko, hinila ko yung buhok niya gamit ang aking bibig (trip2x ko lang), e nasasabuyan niya ko sa mukha e. Patay dead-ma ako nung lumingon ang mukha niyang nakasimangot (kunwaring aksidente yung pagkakahila).
Totoong pangyayari, ulet: Naranasan ko rin na makatabi ko ng ganyan, isang Ma’ma na nanlilimahid sa pawis, bad timing, masikip sa jeep, yung pawis niya napunasan na ng maganda kong yuniporme. At meron pa, pinakamasaklap na naranasan ko sa tanan ng buhay ko sa pagsakay ng Jeepney, taong-grasa/pulubing manang, talagang bad timing lagi, sinasadya ng tadhana, sa akin tumabi. Tiniis ko na lamang ang dumi’t baho umaalingasaw (iniisip ko ng mga time na iyon, ako si St.Francis), mahigit isa’t-kalahating oras ako naligo pag-uwi ng bahay.
Comment by p b on March 26, 2009 at 8:54 am
hahahaha..
pina ka madalas kong maranasan ay yung nag txxt sa loob ng jeep.tpos nakiki basa yung katabi,,xd..
enjoy tingnan….lalo na pag nahahalata ng nag ttxt na binabasa ng katabi niya yung menshe..xd
Comment by irish ü on April 2, 2009 at 3:47 pm
hi ka-blog! nkarelate aq ng b0ngga s entry m. lalo n run s ngttx n my ngb2sa tapos patay malisya pg nhlata. pasyal k naman s phina q.. izeignacio.wordpress.com slamat!
Comment by p b on April 2, 2009 at 7:01 pm
haha hello tnx sa visit girl
yes visit sad kow imu site