Archive for April 10th, 2009

Patawad

sa lahat ng taong nasaktan,sinasaktan at masasaktan ko.
sa lahat ng taong akala nila ay hindi ko sila pinahalagahan.
sa lahat ng taong pinag sinunglingan ko
sa lahat ng taong pinag damutan ko.
sa lahat ng taong hindi ko pingkatiwalaan.
sa lahat ng taong kina inggitan ko
sa lahat ng taong sinumpa ko sa aking isipan.
sa lahat ng taong hindi ko pinag bigyan
sa lahat ng taong hindi ko pinakinggan
sa lahat ng taong namuhi ako
sa lahat ng taong napabayaan ko
sa lahat ng taong nakalimutan kong isipin
sa lahat ng taong humingi ng tulong ngunit di ko na tugunan
sa lahat ng taong nag babasa nito

sa taong minahal ko na di ko na kayang mahalin.
sa taong natututunan kong mahalin..ngayon
hindi ko sinasadya…
huwag kang mag alala….mananatili akong tahimik…

[kahit hindi nila alam...]

sa sarili ko..dahil hindi ko
makuhang maging tunay maligaya..

dahil sa dami ng agam agam.

sa aking mahal na nanay
dahil nag karoon siya ng anak
na ubod tigas ang ulo…

sa aking lola dahil
madalas ko siyang pinag aalala

sa aking mga kaibigang naiwan sa Davao…
magkikita rin tayo..muah tsup tsup!

sa mga bago kong kakilala..
ill be good hihi

maraming bagay akong gusto ihingi ng tawad..
dahil isa lamang akong tao..
nag kakamali…nasasktan at nahihirapan…

tulad ngayon…

Biyernes Santo

ang araw nang pagyao ng ating Panginoon..

kung saan naiisipan ng karamihang mag simba at magumpisal..
kaya tuloy ang sikip sa simbahan..parang nanonood ng concert.

maraming ring bawal sa araw na ito..

ang pag tatrabaho ng mabigat
pag iingay
pag kain ng marami o magpaka busog
bawal ang pork
beef
chicken

kahit nag lelechon ang ibang panig ng bnsa

uso ng biko
maja blanca
puto,at binignit

bawal daw putulin ang kuko..
bawal pumatay ng mga kuto..
bawal mgkasugat

bakit kailangang mangumpisal tayo araw na ito lamang
kung araw araw naman tayong nagkakasala?

hindi rin naman siguro kailangang magpa pako rin tayo sa krus
para lng ma patunayang nasisi tayo sa lahat ng ating mga kasalan..

hindi rin mhalagang makita g ibang to na nag sasakripisyo ka para sa Diyos..

tanging ang Diyos lamang dapat ang nakakaalam..