ang araw nang pagyao ng ating Panginoon..

kung saan naiisipan ng karamihang mag simba at magumpisal..
kaya tuloy ang sikip sa simbahan..parang nanonood ng concert.

maraming ring bawal sa araw na ito..

ang pag tatrabaho ng mabigat
pag iingay
pag kain ng marami o magpaka busog
bawal ang pork
beef
chicken

kahit nag lelechon ang ibang panig ng bnsa

uso ng biko
maja blanca
puto,at binignit

bawal daw putulin ang kuko..
bawal pumatay ng mga kuto..
bawal mgkasugat

bakit kailangang mangumpisal tayo araw na ito lamang
kung araw araw naman tayong nagkakasala?

hindi rin naman siguro kailangang magpa pako rin tayo sa krus
para lng ma patunayang nasisi tayo sa lahat ng ating mga kasalan..

hindi rin mhalagang makita g ibang to na nag sasakripisyo ka para sa Diyos..

tanging ang Diyos lamang dapat ang nakakaalam..