Archive for the ‘ Ang tao talaga ’ Category

13031_1071851375292_1796393511_155613_3465712_n

habang naglilibot ako sa aking facebook acount ay nakita ko ang larawang ito…nakaktuwa nga naman ang na isip nilang idea…pwede ka pang mamili san mo gusto pumwesto.

>>> hindi ko naman sinasabing malungkot ako….hmmm minsan lang talaga na mimis ko yung may kayakap ako,ka holding hands,ka i miss you, ka i love you, my ka ano..hmmn tigil na ako..baka san pa ma punta….

++single ako kasi….wala akong pera..magastos kasi magka syota

Read the rest of this entry

Certified Single

  1. sanay sa outings

  2. tulog ng tulog

  3. Read the rest of this entry

“First love never dies
I just wanna say
That I still love you”

- White Lies

Kaninang umaga ko narinig ang kantang iyan na pinatugtog ng kapitbahay. Tapos inisip ko kaagad ang katangang “First Love Never dies”; Hindi ba talaga namamatay ang unang pag ibig?kung hindi namamatay ang unang pag ibig, paano na ang pangalawa,pangatlo at pang ilang daan pa? Tapos, bakit may unang pag- ibig, kung sinasabi ng iba, na isang beses lang matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Hindi ba pareho ang unang pag-ibig at ang tunay na pag ibig? Kung magkaiba sila, ano ang tawag sa unang pag ibig? fake? Nalilito tuloy ako, ano ba talaga? teka teka, balik muna ako sa topic, an dami kasing komplikasyon eh.

Unang pag ibig, ito ang tawag sa unang pagtibok ng puso para sa isang tao,(tama ba?), pero sa tingin ko, maipag kakamali ito sa unang bf or gf, dahil madalas sabihing ang una mong pag ibig, ay yung una mong naka relasyon; pero, paano kung dumating ang panahon, ma isip mong, hindi mo pala minahal talaga ang una mong naging ka relasyon?hindi ba? Hindi natin matatawag na unang pag ibig iyon. Unang Biga (igat-igat) lang. kongklusyon ko:may posibilidad na hindi ang unang naging bf or gf ang iyong unang pag ibig”.

At kung halimbawa, naramdaman mong pag ibig nga iyon, hindi madaling kalimutan yan,kahit ilang taon pa ang dumaan, na iiwan ang mga alaala. Ngunit, siguro, pagkakataon o tadhana lang ang “first love never dies”, hindi ito nangyayari sa lahat ng tao. Doon lang sa mga taong nka tadhana na magka tagpo ulit sila ng kanyang unang pag ibig. Siguro nga, “First Love never dies”, natutulog lang, may posibilidad rin na hindi na ito ma gising.

Paano ka mag mamahal ng iba, kung first love never dies?
Paano ba talaga malalaman kung mahal mo na talaga siya?
hirap diba? Complicates your already complicated life.

Maari ring nasa isip lang ito ng tao.Gulo talaga nito.