Archive for the ‘ Istudyante Blues ’ Category

nabaliw sa math!

nitong gabi lang ay nagkaroon kami ng mayoryang eksamin sa Matematikang tawagin natin sa pangalang Analytic Geom…
kung saan nabaliw ako halos sa pag isip ng solusyon kung ano ang
ekwasyon ng isang bilog na kung saan may 3 tuldok siyang nasagasaan.. at ang parabolang nakakaloka…halos lahat kami ay nalasing…may nakita akong mga kaklaseng nag kamot ng ulo, nag kunot noo..nag buntong hininga at nagalit sA papel..
.. .matapos ang eksamin ay halos mahimatay ako sa gutom at sakit ng likod at leeg…dag dag pa ang ulan…buti na lang nakaraos ako sa pag hihirap na iyon…ang isang oras ay parang walang hanggan para sakin….ibinubulong ko na sa sarili ko na sana tumunog na ang bell…krrrriiiiingggg!!…uwian naaa!


yan ang marka ko ng nakaraang semestro..at inaamin kong hindi ako matalino….ngunit lahat yan ang pinagsikapan ko…(hehehe yung iba lang).. 70% ang passing grade para mka kuha ng 3.0=75 at 1.0=95 ang pina ka maatas na marka ang maari mong makuha…at dahil sa madalas hindi ako nakikinig, naging pabaya at isang tipikal na instudyante…ay yan ang mga nakuha ko

grade
…alam kong napansin niyo na may 3.0 ako…ipapaliwanag ko sana bakit meron ako at lahat ng naging under sa professor na iyon,ito ay dahil…ewan ko sa kanya..na gulat nga ako kung bakit ganyan ang marka ko..eh samantalang hindi naman ako kailan man lumiban sa subject na yan….oo..sinasabi kong nasa guro ang problema…at wala sa amin…alam kong pinag sikapan ko yan…pero sadya siyang malupit..bahala na ang panginoon sa kanya XD

Life Updated!

nitong mga nakaraang araw dahil bagot na bagot ako sa buhay ko..ay may mga ginawa akong mga bagay na..hindi naman karumaldumal..ngunit..hindi ko naman talaga madalas ginagawa…at malayo sa isip at bituka ko….ngunit ginawa ko…at hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya,,,o hindi.. and mga bagay na sumusnod ay inaamin kong ginawa ko waahahaha XD…

nag study ng 30 minuto bago ang prelim exam (aie,..madalas ko pala itong ginagawa)
nag anunsyo sa plurk na nag hahanap ako ng bf...(wahahahaa WT)
nag hanap ng ka chat na foreigner..
(at nakahanap nga..hahaahahaha 18 years old from Switzerland.pero isang araw ko lang siyang nakachat…gumaling na ako saking pagkahibang)
natulog sa bahay ng kaibigan at umuwi ng gabi pagka bukas
(nag paalam naman ako..pero..ewan ko bat nagalit pa yung lola ko..haizz)
hindi kumain kagabi (hunger strike)
binlog ang mga ginawa ko noong nakaraang araw

hahaha..masarap palang maging baliw minsan…nagiging malaya ka..at hindi iniisip ang sasabihin ng iba…

Unang araw ng Disyembre

walang pasok…kakapagod…nakulong sa bahay…haiz..buhay..may pagsusulit bukas..pro walang laman ang utak…di nag aral..nakakatamad kasi…tapos..may nakasamaang loob pa ako…buhay nga talaga…di perpekto..minsan masaya..minsan malungkot…minsan nakakabaliw…pwede kayang umurong pabalik ang oras?…sana nga pwede…sa mga panahong masaya ako at walang problema…ngunit kahit anung gawin ko siguro ay walang mag babago…walang pabalik sa oras..lahat pasulong…papuntang hinaharap..na nasa loob lang naman talaga nga ating utak…hai naku makatulog na nga….

alaala ng mga kaibigan

dsc00131_2
ito ay mga bagay na bigay sa akin ng mga kaibigan/kaklase/kabarkada ko sa Davao, ipinag papasalamat ko na naalala nila akong bigyan ng ganitong bagay na mag papaalala sa nila sa akin…salamat nina:

-jopal

-brylle

-karlo

-jan delmo(delmokoy)

-joseph

-kakay(mongs)

-mabis(sister)

-babe(bebe)

-felice

-sha(liit)

-jhysa

-bern

-charlie

-nikko

-sean

-abz

-ronald

-egon

-pipit

-porpi

-paulique

-hayzel

-didi

-mark(pobre)

-harris

-kim

-hubz

-master yap

-justin

-at sa mga hindi ko na banggit…(dadi earl,sofie etc.)

balang araw ang mag kikita tyong lahat muli….

at hihintayin ko ang araw na iyon….

kaibigan…magpakailan man…

Nakakapagod na araw

ewan ko..wala naman ako masyadong ginawang nakakasunog-taba pero di ko alam kung bakit pagod na pagod ako pag uwi ko dito sa aming bahay…ginawa ko lan naman buong araw ay umupo sa loob ng silid-aralan at makinig sa taong walang-sawang nag sasalita sa harapan ng pisara…siguro ganun talaga minsan..nakakapagod ang buong araw na wala kang ginawa..kakabagot kasi…hai….dami pang iniisip…na wala namang kwenta lahat…ngunit pinagpapasalamat ko parin ang araw na ito….

smiley_preview_full_642x-10

curfew???!

hahai masakit…sabihin..may curfew ako..pina ka ayaw ko sa lahat….para naman akong bata nya…di ba pwedeng pagkatiwalaan nalang nila ako?..kasi pag nag patuloy pa to…ampf….di na ako uuwi sa amin..smiley_preview_full_642x-10

masarap na kalokohan

na subukan mo na bang….uminom?…uminom hanggang sa tamaan ka ng alak…pagkatapos…mararamdaman mo na lng na mabigat ang ulo mo..ngunit..pakiramdam mo ay naka lutang ka sa ere?….yung napaka gaan sa pakiramdam…yung parang lumilipad…alam mo ang ginagawa mo..pero..para kang nananaginip ng gising….sarap diba?…at mas enjoy kung may trip na kasama..yung tipong…beso2 kau ng mga kasama mo xa sa iyo at ikaw sa lahat….hahahhaaaa…saya siguro nun..!:D