Archive for the ‘ Nakaka relate ka? ’ Category

>>> hindi ko naman sinasabing malungkot ako….hmmm minsan lang talaga na mimis ko yung may kayakap ako,ka holding hands,ka i miss you, ka i love you, my ka ano..hmmn tigil na ako..baka san pa ma punta….

++single ako kasi….wala akong pera..magastos kasi magka syota

Read the rest of this entry

Certified Single

  1. sanay sa outings

  2. tulog ng tulog

  3. Read the rest of this entry

sa loob ng isang jeep

ayan may jeep na…..sa haba ng oras ng pag hihintay…

sumakay ka at na upo sa may kanang bahagi ng jeep…naka lingon sa may bintana habang pinag mamasdan ang bawat etablisyemento at gusaling nadadaanan..minsan ay na papatingin ka sa mga kasama mo sa loob ng sinasakyan mong jeep..

sa harapan mo naka upo ang istudyanteng nag tetext gamit ang kanyang cellphone.. katabi niya ay isang mama na halatag binabasa
kung anu mang tinitext ng studyante..

nakakatawa naman sila…pag nahahalata ng estudyante ang mama..
ay iniiwas ng mama ang tingin sa may kisame ng jeep…

isang seksing babae naman ang katabi ng mama.. ang seksing babae ay may mahabang buhok na halos makain na ng aleng katabi niya…dahil sa pag saboy ng kanyang mala DYOSAng buhok dulot ng malakas na hanging idinudulot ng pag takbo ng jeep.
at halatang ang ale ay halatang napipikon na at nag kukunot noo.

tsk..manhid naman..walang paki alam sa damdamin ng ibang tao,…

bigang may ninabot ang taong nsa unahan ng katabi mo..walang imik niya itong inabot…inabot lang niya…talagang inabot lang niya…kaya hinulaan mo nalang na ito ay pamasahe…

walang mabuting asal…di marunong maki suyo..hmmp

3 sa kasama mong pasahero ang masayang nag kukwentuhan ..malakas tumawa yung isa…ang isa joker….ang huli ay nakikisakay na lang…ng kuwentuhan sila simula pa ng pagsakay mo hanggang sa pag baba nila…

aba! ayus to..sa kwentuhan nila…malalaman mo na ang kwento ng mga buhay nila.

isang manong naman na naka sando ang naka sampay ang kamay sa hawakan sa loob ng jeep…at amoy sa loob ang baho ng kilikili niya..

c kuya naman..ganoon na ba ka mahal ang deodorant ngayon?

puno na ang jeep dahil sa walang tigil na pag hinto ng jeep para kumuha ng pasahero..masikip na…masikip na masikip…kahit wala ng lugar ay ipinipilit pa ng konduktor na maluwag pa…kulang pang lima!

dyahe naman sikip na nga!…

nakita mo na ang kantong bababaan mo….

para na manong!….dito na lang ako…

bumaba ka na sa badtrip na jeep…
at sa badtrip mo…naka limutan mong mag bayad,;)

akala mo….buti na lang..

ilang araw na nag daan…
may nakilala ka…
at masasabi mong mabait siya…
at gusto mo ang paraan ng pagdadala niya sa kanyang sarili..
prangka at malakas ang loob pero hindi nag mumukhang hambog…
at ayun bigla na lang!… naramdaman mo lang na nagugustuhan mo siya….
sandali! sandali….!
..ulit! ulit..!
o_O
oo naramdaman mong nagugustuhan mo siya….
pero…..
akala mo lang yon..:-p
namulat ka kinabukasan..at hindi mo na siya gusto..!!
ayaw mo na sa kanyaaaaaaa!
at eto ka ngayon…all the singles ladies, put your hands up!

wala siyang kasalananan…
wala naman siyang ginawa na di mo nagustuhan…

dahil guro sa…hindi mo alam..at hindi ko rin alam..ewn ko sa iyo.
basta..nawala na lang bigla yung pakiramdam na iyon..
lumayas na…hala chupe!..labas labas!..buti na lang…!

Gaano kahalaga ang halaga?

oo.gusto ko magkaroon ng halaga…sino ba ang hindi?..lahat naman siguro ng tao sa mundo, ay gusto magkaroon nito. kahit nga maliit na bagay pag may importansya sa iyo,ay mahalaga parin tayong inilalaan. lahat tayo ay gusto ang pakiramdaman na may mga taong ayaw mawala ka…yung pakiramdamdam na importante ka…pero madalas, nawawari mo lang ang halaga ng isang tao o bagay pag nawala na ito sa iyo...bakit kaya ganoon?..dahil ba sa mga panahong nasa iyo pa ang bagay na iyon ay hindi mo ito inalagaan? o dahil sa masyado kang kampante na hindi ito kailan man ay mawawala sa iyo?
bakit kaya ganoon parati ang sitwasyon…haisss..hirap isipin..nakakahilo… gusto lang naman natin magkaroon tayo kahit konting halaga sa mga taong minamahal natin...pero bakit ang ibang tao ay kay hirap itong ibigay? may mga pagkakataon pang ipagpapalit ka ng itinuturng mong kaibigan sa mga bagay na wala naman talagang katuturan…ano pa ang halaga mo..kung nakikita mong mas pinipili niya ang ibang bagay?…oo..may tinatawag tayong “freedom to choose” pero meron ka rin namang karapatang mag desisyon na umalis na lang sa buhay ng taong iyon, kung sakaling hindi mo na maramdaman ang halaga mo sa kanya diba??? why stay if their making you feel invisible?…

smiley_preview_full_642x-10

Online games VS GF

SI DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc. BA O SI GF?

Si DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc. isa lang sa mundo
GF napakarami niyan
Si GF iiwan ka niyan
Si DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc.hindi
Si GF kadalasan nagagalit pgDOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc.ka
Si CABAL/PW/LINEAGE/RF etc.hindi nagagalit pagnakay GF
DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc. P20 lang masaya na
Si GF P200 baka di pa masaya
Pagnakikita ka ng ibang CHARACTER hindi ngagalit si DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc.
Pero pagnakikita ka ng ibang babae nagagalit si GF
Si GF pag iniwan mo mahirap makipagbalikan
Si DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc. pag iniwan mo handa ka pa din tanggapin
Si DOTA/CABAL/PW/LINEAGE/RF etc. pedeng pagkakaperahan
Si GF ikaw ang peperahan

———————————————————————————–
sa tingin ko di dapat i kompara ang libangan sa GF…ang GF tao..ang libangan bagay…di nakakaramdamdam ang libangan..ang tao oo…sa tuwing gusto mo ng kayakap..sa tingin mo ba kung yayakapin mo ang libangan mo..eh yayakapin ka rin niya?..kaya ka kayang halikan ng libangan mo?...kaya ka kayang mahalin?..kaya ka kayang alagaan?…ewan ko lang huh..

masakit bah???.maging totoo ka sa sarili mo..kahit na minsan gusto mong isipin na sana malaya ka..eh alam naman nating iiyak ka pag iniwan ka ng katipan mo…amfness naman..

smiley_preview_full_642x-10

ayaw kong mag isip..pwede?

eto nanaman…ang gulo nanaman ng mundo ko..andaming mga taong d ko ma intindihan kung ano ang gustong iparating….hahai..pwede bah..huwag niyo akong bigyan ng mga bagay na ako pa ang lulutas…hirap naman kasi eh…ako pa yung gusto niyo na mag isip…che!

Hanggang kailan???

ilang ulit na niyang sinabi sa akin na mag hintay…bakit??saan pala siya pupunta..pero bakit..parang wala lang naman…na lilito ako sa mga pina pahiwatig niya….nakakainis naman..kung bakit kasi hindi na lng diretsahang sabihin kasi…nakakalito tuloy…ayaw kong umasa….nakakatakot yun…paano kung wala pala…???..diba??…