Archive for the ‘ Ako ang may akda ’ Category

Tips Para Pumayat

  • huwag matulog…..ng madaling araw
  • huwag kumain.…  ng marami matapos mag ehersisyo ,ng masyadong matatamis at mamantikang pagkain..

Read the rest of this entry

X Men Origins: Wolverine

wolverine-origins-fl

kanina sa bahay ng kaibigan ko..
matapos akong mg reformat ng kompyuter nila..
ay nanood kami ng X men Origins kung saan ang
pelikula ay umiikot sa mundo ni James Logan [ wolverine ],
ang kanyang pinagmulan at ang kung anong nangyaring kagaguhan sa buhay niya…nasa pelikula rin sina..Victor Creed [sabertooth], Gambitt, at ang batang batang si Scott Summers[cyclops].. ang isa pang nakaktuwa dito ay…
ang pinanood namin ay ang unfinished version..
kung saan..kita pa ang mga tali ng harness sa likod ng mg artista..
hindi pa tapos ang pag edit ng mga special effects..
iba talaga ang pirata..
ngunit masasabi kong ok naman ag pelikula…walang nakakabagot na eskena..lahat bakbakan..:) 4/5 para skin..ngunit gusto ko parin mapanood ang finished version xd

Bakit hindi pwede?

Ikay dumating ng di sinasadya
Dito saking munting mundo akoy maligaya na
Huwag mo sanang mamasamamain
ngunit hindi ako nag rereklamo
alam mo bang pinapaikot mo ang isip ko

bakit hindi..
bakit hindi pwede tayong dalawa
bakit hindi pwede maging tayo
kaibigan lamang
dumating ka sa maling lugar at oras..
o baka naman ako

Bawat minuto ikay nasa aking isip
laman ka ang aking panaginip
ang taging lugar na akin ka..
at akoy sayo…
ngunit hindi sa aking pag gising

bakit hindi..
bakit hindi pwede tayong dalawa
bakit hindi pwede maging tayo
kaibigan lamang
dumating ka sa maling lugar at oras..
o baka naman ako

bakit hindi..
bakit hindi pwede tayong dalawa
bakit hindi pwede maging tayo
kaibigan lamang
dumating ka sa maling lugar at oras..
dumating ka sa maling lugar at oras..
o baka naman ako

bakit hindi pwede…

—————————————

isang cute na kantang pina sikat ng
3rd avenue at rannie reymundo..
ang orihinal na titulo ay: Why cant it be
na pag disitahan ko lang na isalin sa tagalog

Patawad

sa lahat ng taong nasaktan,sinasaktan at masasaktan ko.
sa lahat ng taong akala nila ay hindi ko sila pinahalagahan.
sa lahat ng taong pinag sinunglingan ko
sa lahat ng taong pinag damutan ko.
sa lahat ng taong hindi ko pingkatiwalaan.
sa lahat ng taong kina inggitan ko
sa lahat ng taong sinumpa ko sa aking isipan.
sa lahat ng taong hindi ko pinag bigyan
sa lahat ng taong hindi ko pinakinggan
sa lahat ng taong namuhi ako
sa lahat ng taong napabayaan ko
sa lahat ng taong nakalimutan kong isipin
sa lahat ng taong humingi ng tulong ngunit di ko na tugunan
sa lahat ng taong nag babasa nito

sa taong minahal ko na di ko na kayang mahalin.
sa taong natututunan kong mahalin..ngayon
hindi ko sinasadya…
huwag kang mag alala….mananatili akong tahimik…

[kahit hindi nila alam...]

sa sarili ko..dahil hindi ko
makuhang maging tunay maligaya..

dahil sa dami ng agam agam.

sa aking mahal na nanay
dahil nag karoon siya ng anak
na ubod tigas ang ulo…

sa aking lola dahil
madalas ko siyang pinag aalala

sa aking mga kaibigang naiwan sa Davao…
magkikita rin tayo..muah tsup tsup!

sa mga bago kong kakilala..
ill be good hihi

maraming bagay akong gusto ihingi ng tawad..
dahil isa lamang akong tao..
nag kakamali…nasasktan at nahihirapan…

tulad ngayon…

Biyernes Santo

ang araw nang pagyao ng ating Panginoon..

kung saan naiisipan ng karamihang mag simba at magumpisal..
kaya tuloy ang sikip sa simbahan..parang nanonood ng concert.

maraming ring bawal sa araw na ito..

ang pag tatrabaho ng mabigat
pag iingay
pag kain ng marami o magpaka busog
bawal ang pork
beef
chicken

kahit nag lelechon ang ibang panig ng bnsa

uso ng biko
maja blanca
puto,at binignit

bawal daw putulin ang kuko..
bawal pumatay ng mga kuto..
bawal mgkasugat

bakit kailangang mangumpisal tayo araw na ito lamang
kung araw araw naman tayong nagkakasala?

hindi rin naman siguro kailangang magpa pako rin tayo sa krus
para lng ma patunayang nasisi tayo sa lahat ng ating mga kasalan..

hindi rin mhalagang makita g ibang to na nag sasakripisyo ka para sa Diyos..

tanging ang Diyos lamang dapat ang nakakaalam..

sa loob ng isang jeep

ayan may jeep na…..sa haba ng oras ng pag hihintay…

sumakay ka at na upo sa may kanang bahagi ng jeep…naka lingon sa may bintana habang pinag mamasdan ang bawat etablisyemento at gusaling nadadaanan..minsan ay na papatingin ka sa mga kasama mo sa loob ng sinasakyan mong jeep..

sa harapan mo naka upo ang istudyanteng nag tetext gamit ang kanyang cellphone.. katabi niya ay isang mama na halatag binabasa
kung anu mang tinitext ng studyante..

nakakatawa naman sila…pag nahahalata ng estudyante ang mama..
ay iniiwas ng mama ang tingin sa may kisame ng jeep…

isang seksing babae naman ang katabi ng mama.. ang seksing babae ay may mahabang buhok na halos makain na ng aleng katabi niya…dahil sa pag saboy ng kanyang mala DYOSAng buhok dulot ng malakas na hanging idinudulot ng pag takbo ng jeep.
at halatang ang ale ay halatang napipikon na at nag kukunot noo.

tsk..manhid naman..walang paki alam sa damdamin ng ibang tao,…

bigang may ninabot ang taong nsa unahan ng katabi mo..walang imik niya itong inabot…inabot lang niya…talagang inabot lang niya…kaya hinulaan mo nalang na ito ay pamasahe…

walang mabuting asal…di marunong maki suyo..hmmp

3 sa kasama mong pasahero ang masayang nag kukwentuhan ..malakas tumawa yung isa…ang isa joker….ang huli ay nakikisakay na lang…ng kuwentuhan sila simula pa ng pagsakay mo hanggang sa pag baba nila…

aba! ayus to..sa kwentuhan nila…malalaman mo na ang kwento ng mga buhay nila.

isang manong naman na naka sando ang naka sampay ang kamay sa hawakan sa loob ng jeep…at amoy sa loob ang baho ng kilikili niya..

c kuya naman..ganoon na ba ka mahal ang deodorant ngayon?

puno na ang jeep dahil sa walang tigil na pag hinto ng jeep para kumuha ng pasahero..masikip na…masikip na masikip…kahit wala ng lugar ay ipinipilit pa ng konduktor na maluwag pa…kulang pang lima!

dyahe naman sikip na nga!…

nakita mo na ang kantong bababaan mo….

para na manong!….dito na lang ako…

bumaba ka na sa badtrip na jeep…
at sa badtrip mo…naka limutan mong mag bayad,;)

akala mo….buti na lang..

ilang araw na nag daan…
may nakilala ka…
at masasabi mong mabait siya…
at gusto mo ang paraan ng pagdadala niya sa kanyang sarili..
prangka at malakas ang loob pero hindi nag mumukhang hambog…
at ayun bigla na lang!… naramdaman mo lang na nagugustuhan mo siya….
sandali! sandali….!
..ulit! ulit..!
o_O
oo naramdaman mong nagugustuhan mo siya….
pero…..
akala mo lang yon..:-p
namulat ka kinabukasan..at hindi mo na siya gusto..!!
ayaw mo na sa kanyaaaaaaa!
at eto ka ngayon…all the singles ladies, put your hands up!

wala siyang kasalananan…
wala naman siyang ginawa na di mo nagustuhan…

dahil guro sa…hindi mo alam..at hindi ko rin alam..ewn ko sa iyo.
basta..nawala na lang bigla yung pakiramdam na iyon..
lumayas na…hala chupe!..labas labas!..buti na lang…!

Prangkahan?

Paano mo sasabihin sa tao na ampanget ng kasintahan niya.

1. “Pare, mahilig ka pala sa abstract…”
2. “Ay…lugi…”
3. “Tale as old as time…”
4. “Pare, ba’t may ka-holding hands ka na lalaki?”
5. “Tamang-tama miss! Kamukha mo si Heidi Klum…at kamukha naman niya si Seal!”
6. “Sabi ko na nga ba eh, mahilig ka sa inner beauty.”
7. “Uy, hindi pa pala extinct yung ganyan?”
8. “Idol mo si Andrew E. kaya ka humanap ng pangit?”
9. “Pare ilegal yan, i-surrender mo na yan sa DENR!”
10. “Masarap siya siguro magmahal, no?”
11. “Miss, hindi pa ba nagbabayad ng ransom ang mga relatives m0*
12. “Ikaw naman, nung sinabihan kitang be kind to animals, hindi naman ganyan!”
13. “Magkano inabot?”
14. “Uy, ang cute! Anong breed?”
15. “Aba, aba, aba, tru lab nga!”
16. “Wow, ang sarap i-photoshop!”
17. “Let me guess, mahaba ang dila niya, noh?”
18. “Sabi ko na nga ba, katawan lang ang habol mo eh!”
19. “Wow, ang sarap ng girlfriend mo…ang sarap sampalin!”
20. “Hoy, mag-sorry ka sa mga mata ko!”
21. “You know, it’s unethical for a doctor to date his patients, especially if you’re a vet.”
22. “Pare, ano siya, mabait o mayaman?”
23. “Wow pare, naks, kamukha ni anne curtis ang girlfriend mo ah…sa Kampanerang kuba…”
24. “Wow, mukha palang ulam na! Ulam na panis!”
25. “Hindi ka na ba naawa sa mga magiging anak niyo?”
26. “Pare, Pinoy ka! Pinoy ka! Anong akala mo sa sarili mo, foreigner?”
27. “Nangangagat? Pwedeng hawakan?”
28. “Pare, minsan try mo din yung tao…”
29. “Pare, magiging swan ba yan sa ending?”
30. “Dad! Bilis! Tignan mo yung dala nung mama! Bilis, bigyan mo ng saging!”

————————

ganito ang tao kung humusga..hindi naman natin pwede pakialaman ang mga taong sabihin na nating my d kagandahan o kagawapuhang kasintahan..iba2 tayo ng panananaw…kaya..wala tayong karapatang insultuhin sinuman..

src: post bulletin of friend m.a.s